Check Our Own Videos

                                    

Advertisement

Wednesday, May 27, 2009

Mahirap palang Magkagusto sa Gf ng Iba at may Crush Pa! waaapak!
















magulo ba yung title?explain ko na lang hah..

ganito kasi yan..

may bago akong nakilalang girl.. magksama kami sa job training ngayon..
sa tantsa ko, mga 2 weeks pa lang kaming magkakilala..
madalas nag-uusap, kasamang kumain.. umuwi, etc.

pero bago ko pa nalaman ang pangalan nya, gusto ko na sya nung una ko syang makita ko sa interview ng ina-applyan naming company..

nung pinalista yung pangalan namin as qualified trainees, binantayan ko talaga kung saang number nya isusulat pangalan nya para makuha ko number nya.. at ayun nga, nakuha ko. hehe.. :-)

nung dumating na kami dito sa lugar kung saan kami nagtre-training, nagkaroon ako ng chance na mapalapit sa kanya.. na makilala sya.

kaso nga lang, bad trip.. tsk, tsk.. bakit?
may bf na pala sya. haaaay naku. kainis pare!

pero naisip ko, okay lang, crush lang naman eh. tsaka di naman nya malalaman. di ko naman sasabihin.. pero of course, ipinapakita ko sa actions ko na i care for her and concern ako sa kanya..lagi ko syang niyayang kumain.. kinakausap pag kinkabahan sa exam.. basta, yung dapat gawin ng taong concerned at may pagtingin sa kapwa nya....

pero, mahirap na yun hah.. yun bang kasama mo nga sya, pero iba naman nasa isip nya.. kausap mo nga sya, pero may na-mi-miss sya.. kainis noh? pero la naman akong karapatang magselos. anong magagawa ko..eh, ganun na yun eh. kaso may problem pa pala.. plus bukol pa pala.

may crush kasi sya na co-trainee namin. yun tipong di nga nya sinasabi pero yun bang mahahalata mo.. alam mo yun. yun bang kung dadaan si co-trainee, halatang kilig sya..
at pag nag-uusap sila ng iba pa naming co-trainees na babae, alam kong si co-trainee yung pinag-uusapan nila.. kainis nga eh..

awkward kasi yun para sakin ..may bf na kasi sya but she's still sharing to her friends that she has a crush on this other guy. Yeah.. alam ko, normal lang yun. crush lang naman yun eh. pero para sakin, awkward lang talaga. pano kung ako yung nasa lugar ng bf nya? seloso pa naman ako..di ko gustong nakikipag-usap yung gf ko sa iba lalo na pag crush nya yung guy.. mahirap na di ba?

tao lang kasi tayong lahat. in just an instant, pano kung matamaan sya ng pana ni Kupido at mag-iiba tibok ng puso nya at yung crush lang ay mas lumalim knowing that we're far from each other and she's with other people.. fresh face, fresh personality.. crush nya pa!.. pano na kung matamaan nga sya ng arrows ni Cupid.. mahirap yun di ba?

pero may ibang reasons pa na pumapasok sa isip ko kung bakit ganito nararamdaman ko..

hindi rin nawawala sa isip ko na baka nagkakaganito ako kasi di nya ako napapansin.. I mean, imbes na ako sana yung mapansin nya kasi nagpapa-pansin naman talaga ako.. ibang tao pa nakakuha ng attention nya.. nadi-disappoint lang ako kasi di ko makuha loob nya. la talaga akong pag-asa..

mabait naman ako sabi ng nanay ko.. gwapo naman sabi pa rin ng nanay ko..pero ewan ko ba..

ano bang mabuti kong gawin? iwasan na lang sya.. hmmmm.. sa palagay ko eto yung tama kung gawiun kasi mas mahuhulog lang ako sa kanya kung palagi ko syang kasama at mas nasasaktan lang ako everytime na kinikilig sya sa ibang tao.. tsaka nako-konsensya rin ako sa bf nya.. sabi pa naman ng kaibigan nya, sobrang bait daw ng bf nya.. saludo ako sa mga guys na ganun. yun bang mahal talaga yung girl at di naglalaro.. malalim rin kasi akong magmahal kaya naiintindihan ko yung mga ganun..

So, ano ba talagang gagawin ko.. cge, yun na lang cguro.. iiwasan ko na lang sya at pilitin na ibabalewala yung narararamdaman ko para sa kanya.. nahuli kasi ako ng dating sa buhay nya.. minsan kasi minmalas lang talaga..

pero kahit sabihin natin na wala syang bf ngayon.. di naman ako yung crush nya.. in short, wala talaga akong pag-asa. haaaay.. kakalungkot noh? oh, sya cge, magstu-study muna ako.. paaalam.

No comments:

Post a Comment

Do not forget to follow this blog.