Check Our Own Videos

                                    

Advertisement

Wednesday, May 12, 2010

Nasa Lahi


Ang aking idolong mang-aawit ay isang asong kumakain ng Pedigree. Malaginto ang kulay ng kanyang buhok. Palaging nakasimangot ang kanyang mga mata kahit pa may ngiting nakausli sa kanyang namumulang labi. Ang kanyang mukha ay Tom Cruise ngunit sadyang napakabata sa edad na labing-anim. Hindi pa hinog ang kanyang pangangatawan pati na rin ang kanyang mataas at matinis na boses. Bukod sa boses babae, malimit syang napagkakamalang bading dahil sa napipiling kasuotan. Palagi kasi syang nakasuot ng mga damit na kulay binabae. Ngunit gayon pa man, marami pa rin ang nahahalina sa kanyang tindig lalaki. May lambot, giling, at indayog din ang kanyang mga buto. Para syang halo-halo sa tanghaling tapat na pinagpipilahan at nakapagpapawi ng init ng katawan. Para syang isang pakete ng pinaghalong kape, creamer, at asukal sapagkat halos nasa kanya na ang katangian ng isang perpektong lalaki - may ulo, may mukha, may boses, may indayog, at may pera.

No comments:

Post a Comment

Do not forget to follow this blog.