Check Our Own Videos

                                    

Advertisement

Saturday, May 8, 2010

Burador Ng Batas Na Gusto Kong Maipasa

Layunin: Gusto naming makaboto ang lahat ng angkop, may kakayahan, at gustong bumoto.

Mga Naunang Mga Batas: RA 7166 - Section 12, EO 157, CR 3439

Ang iminumungkahi kong maipasa ay isang batas at hindi isang panukala lamang.

Isang batas na magpapalawak sa sakop ng absentee voting na isinasaad sa mga nabanggit na batas sa itaas. Isasama dito ang mga mag-aaral sa paaralang may isang isla ang layo sa lugar na pinagpatalaan ng boto; mga nagbabalik-aral para sa Board Examinations sa paaralang may isang isla ang layo sa lugar na pinagpatalaan ng boto; at mga trabahador sa mga pribadong institusyon malayo sa lugar ng pinagpatalaan ng boto. (Kung hindi maaari ang tatlong grupo, kahit na ang dalawa o ang iisa lang sa kanila.)

Kung saan ang mga taong kabilang sa nabanggit na mga grupo ay nais makaboto kung hindi lamang sa mga kadahilanang hindi maiiwasan katulad na lang ng kawalan sa perang pamasahe;
Kung saan ang mga taong kabilang sa nabanggit na mga grupo ngunit may kakayahang makaboto sa lugar na pinagpatalaan ay hindi sapilitang ipapakuha ng absentee vote sa anumang kadahilanan;
Kung saan bubuo sa isang isla ng kalupunan ng absentee voting sa lugar, bayan o lunsod, kung saan may pinakamaraming populasyon o kung saan mas epektibo ang botohan;
Kung saan ang laman ng CR 3439 patungkol sa iba pang mga tuntunin ay gagamitin.

Ipapatupad ng pambatasang sangay ng Pilipinas

Ang mga bahagi sa katawan ng CR 3439 ang masusunod kasabay ang paglakip ng tatlong grupo sa ikalawang bahagi ng nasabing batas.

Mag eepekto ito kung kelan mapagtitibay.

Mga susuporta (pakikampanya sa facebook at sa inyong mga kakilala)
Listahan ng mga senador:
Listahan ng mga kongresista:

No comments:

Post a Comment

Do not forget to follow this blog.