Check Our Own Videos

                                    

Advertisement

Thursday, May 6, 2010

Mukha Ng Pagpanaw

Hagulhol ng mga pusong nagdadapit-kamay
Panaghoy ng mga matang tila isang dekada nang dilat,
Mga luhang umaambon dulot ng nagbabagyong damdamin,
Ilong na binabaha ng likidong umaagos,
Bibig na isang pintuang nakakandado,
Ngiting pilit na ipinipinta sa mukhang nangungunot sa kirot
At kasuotang itim sa kalaliman ng gabing payapa
Ng mga umiibig - bata at matanda
Pagkat isang segundo'y di na masusulyapan pa ang namayapa.
May mga nag-alay ng makukulay na bulaklak,
May mga nagpabaon ng barya-barya,
May mga tumanggap ng huling habilin,
At sa paglamon ng apoy sa nakahimlay na,
Mariringgan ang uha ng pagbangon.

No comments:

Post a Comment

Do not forget to follow this blog.