Check Our Own Videos

                                    

Advertisement

Monday, December 16, 2019

Ito Ay Isang Pangitain

Ito Ay Isang Pangitain
November 26, 2019

Bukas, sa makalawa, sa hinaharap;
Sa pagtigil nang takbo ng oras ng mundo;
Sa pagbagsak ng mga talang sumabog mula sa kalangitan;
Sa paglaho ng takipsilim at bukang-liwayway;
Sa pagnangis ng duguang buwan;
Sa pagkupas ng langit at lupa pagsapit nang nakatakdang wakas ng panahon,
Habang nagdiriwang ang mga bansang tinatamasa ang kalayaan at kalayawan;
Habang may mga tulang nabubuo at mga salitang nilalapatan ng musika;
Habang ang karamihan ay patuloy na nabibigo, nangangarap at umiibig;
Habang ako'y nakaupo sa gitna ng damuhan at nagpapakalunod sa kapayapaang hatid ng lawa ng bulaklak at mga paru-parong tila bang lumalangoy sa agos ng halimuyak na tinatangay ng hanging banayad;
Habang ika'y nasa aking tabi na ninanamnam ang tamis nang pagsalubong sa mga araw at sandali,
Na handang harapin ang nakatadhanang pagguho ng sangdaigdigan,
Nakatali ang ating mga kamay sa iisang pangakong di bibitaw hanggang sa pagdating ng bagong langit at lupa,
Na magsasamang naka hapay-yuko sa isang sulok sa bandang dulo ng milyon-milyong buhay sa harapan ng banal, banal, banal na kabanal-banalang Hari,
Hanggang sa dulo nang walang wakas na paghahari.
Ito ay isang pangitain nang ating kabanalang tagpo,
Na unang nabuo sa isip at sa mga panaginip.
Gumising na't ika'y aking kakatagpuin sa lugar na itinakda ni Bathala,
Bigyang buhay ang naisulat na tadhana.

-Diary of the Earl
————————————————————————————
This is your fine start;
Explore the arts;
Read more;
Practice styles;
Then create your own -
Your finest art.

Thanks God I've completed this art.
I'm excited to create my finest art after this.

No comments:

Post a Comment

Do not forget to follow this blog.