Check Our Own Videos

                                    

Advertisement

Monday, December 16, 2019

Thanksgiving Day 2019

Thanksgiving Day 2019
November 24, 2019

Nakahiga sa sahig na kahoy,
Nakatitig sa kisameng kulay ulap ng tanghaling tapat,
Nakaunat ang dalawang paang nakatapak sa puting dingding,
Nakatingin sa kurtinang pilit tinutulak ng hangin na tila bang nagpupursiging makapasok para ako'y yakapin ng lamig,
Nakikinig sa radyo ng kapitbahay na tugtog ay musikang makalangit,
Iniisip ang sinag ng bagong umagang di nasilayan, at
Inaalala ang gabing nagdaan na sakit ng ulo ang hatid kinabukasan.
Thanksgiving Day pala ngayon pero nakakulong sa kwarto,
Masakit ang ulo, naku po!
Pakisampay nga yung mga damit na nilabhan ko buong araw kahapon.
Last na to Jef,
Di ako bibigay sa kulit mo magyaya tuwing may mix kang pinagmamalaki.
Gagayahin ko si Bert na di natinag na naglights lang o di na talaga.
Si Jayr naman di nagpapapilit pag ako nagyaya at si PReyes naman di na bumalik dala dala ang hangin ng kabataan pag-alis.
Swerte nyo kasi masarap ang bangon nyo ngayong Thanksgiving Day.

-Diary of the Earl
————————————————————————————
This is your fine start;
Explore the arts;
Read more;
Practice styles;
Then create your own -
Your finest art.

Thanks God I've completed this art.
I'm excited to create my finest art after this.

No comments:

Post a Comment

Do not forget to follow this blog.