Check Our Own Videos

                                    

Advertisement

Monday, December 16, 2019

NaTisoy Yata Ako

NaTisoy Yata Ako
December 3, 2019

Nakadungaw sa bintana mag-isang nagbabantay sa saya nang muling pagsilip ni haring araw,
Pinagmamasdan ang pagtampisaw sa bubong na yero ng malalaking butil ng tubig na bumabagsak mula sa tila bang mga mata nang nagnanangis na kalangitan,
Pinakikinggan ang iyak nang malakas na ihip ng hangin na sinasaliwan ng lagaslas ng ulan pagbagsak sa kalsadang semento,
Parang malungkot na musikang pilit pinapapasayaw ang mga kawad ng kuryenteng tambayan ng mga ibong maya di alintana ang lamig ng katawang basang-basa sa ulan
Damang dama ko ang epekto nang malakas na bagyo
Bagyo
Bagyong Tisoy
Tinamaan ng malakas na bagyo ang aking mundo
Malabo, madilim
Balot sa maiitim na ulap ang aking isip
Para akong isang ibong kumakapit sa kawad ng kuryente mag-isa, nalulungkot, umiiyak
Nag-iisip na bumitaw
Tama na ba?
May tama na naman kasi
Tama ba na masaya akong kinakasama sya?
Kahit alam kong inilaan sya para sa iba?
May mali yata sa pinaggagagawa ko?
Awit
Taenangyan
Aaaammmmpppp

-Diary of the Earl
————————————————————————————
This is your fine start;
Explore the arts;
Read more;
Practice styles;
Then create your own -
Your finest art.

Thanks God I've completed this art.
I'm excited to create my finest art after this.

No comments:

Post a Comment

Do not forget to follow this blog.